Sabrina Mann Stars as Transman Nil Nodalo in "Magpakailanman" this Saturday

Monday, April 15, 2013 , Posted by JED at 10:37:00 PM

Sabrina Mann Stars as Transman Nil Nodalo in "Magpakailanman" this Saturday


This Saturday, April 20, "Magpakailanman" features a controversial life story Nil Nodalo titled “Transman: The Nil Nodalo Story.”

Transman. Pinanganak na may kasarian ng babae, pero kinikilala ang sarili na isang lalaki. Kung unti-unti nang natatanggap ang mga bakla at tomboy, may puwang na rin ba ang mga transgendered at transsexual na matanggap rin ng mga tao? Ito ang magiging tanong ni Nil Nodalo sa kanyang paglaki.

Mula pagkabata, alam na ni Marie Nodalo (Sabrina Mann) na iba siya sa mga ka-edarang babae. Hindi siya mahilig mag-ayos, at ang hilig niya ay ang makipag-baril-barilan sa mga kaibigang lalaki. Pero makukumpirma ni Marie na iba siya talaga nang umibig siya sa kapwa niya babae.

Hindi man tinanggap ng unang niligawan, nalinawan at natanggap na ni Marie na hindi siya babae; kaya magde-desisyon siyang maging si Nil.

Tanggap man ng barkada, isang taong malapit sa puso ni Nil ang hindi alam kung paano haharapin ang katotohanang ito: ang ina niya.

Sa simula ay hahayaan lang ng ina ang ginagawa ng anak, hoping na mawawala rin ito sa isip ni Nil sa kaniyang pagtanda. Pero nang magkaroon ng girlfriend si Nil na tanggap kung ano ang kasarian niya, unti-unting nawalan ng pag-asa ang ina ni Nil.

Lalakas naman ang paniniwala ni Nil na matatanggap nga ng mga tao ang tulad niya: babae ang katawan, pero lalaki ang damdamin.

Hanggang sa ihiwalay sa kaniya ang babaeng minamahal. Hanggang sa maging ang nanay niya ay tumalikod na sa kaniya.

Ito na nga ba ang buhay na gugustuhin ni Nil? Magagawa ba niyang panindigan ang isinisigaw ng puso’t saloobin? O, para muling mahalin ng mga taong minamahal, susundin na lang ba niya ang dikta ng komunidad?

Alamin ang kanyang kuwento ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

“Transman: The Nil Nodalo Story” features Andrea Torres, Mike Tan, and Sabrina Mann sa kanilang natatanging pagganap bilang si Nil Nodalo. Kasama rin sa cast sina Dion Ignacio, Rhen Escano at si Miss Sharmaine Arnaiz. The episode was researched by Gel Launo, written by Obet Villela, and directed by Dominic Zapata.


Currently have 0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...