ANJO YLLANA and JACKIE MANZANO are Filing for Divorce

Posted by JED on Saturday, April 12, 2008 , under | comments (0)



Tuluyan na ngang nagdesisyon ang mag-asawang Anjo at Jackie Manzano na mag-file ng divorce ayon sa long time manager ng actor comedian na si Douglas Quijano.

"It's been an on-off relationship for 13 years. There is no third party involved on both sides. Hindi lang magkasundo talaga," sabi raw ni Anjo sa manager niyang si Douglas. Matagal nang talent ni Douglas si Anjo na nagsimula ang showbiz career nung 1984 matapos i-give up ang pangarap na maging professional basketball player.

"I think it's the age difference. Thirty-nine years old si Anjo, if I remember right, may 10 year difference sila," dagdag pa ni Douglas.

From Jackie's imdb.com entry, she was born March 31, 1981, at kung thirty-nine si Anjo, he was born, April 24, 1968, making their age difference 13 years. Nagkasama sina Anjo at Jackie sa pelikulang Milyonaryong Mini noong 1996 at nagpakasal din sa Las Vegas that same year. Sa Las Vegas din daw magpa-file ng divorce sina Anjo at Jackie.

"It's a friendly separation," sabi pa raw ni Anjo kay Douglas.
"They will share the children na dalawang nakatatandang babae at dalawang nakababatang lalaki. Apat ang anak nila. Wala na raw problema sa paghahati sa mga bata. Kay Jackie raw ang mga bata ‘pag weekdays, at kay Anjo naman, ‘pag weekends. ‘Pag mag-a-abroad naman ang isa sa parents, dun ang mga bata sa maiiwan.

"It was waiting to happen for 13 years,"
ayon pa kay Douglas about the separation. "But parang because of the children kaya ‘di sila makapag-separate."

Ipinanganak ni Jackie sa San Francisco last December ang pang-apat nilang anak na isang baby boy.

"ROCKY" RELATIONSHIP.
Sa simula pa lang daw, ay ‘di na talaga maayos ang relasyon nina Anjo at Jackie. Rebelasyon nga ni Anjo kay Douglas, "rocky" raw talaga ang relationship nila ni Jackie and there was a time daw na naghiwalay sila ni Jackie sa loob ng isang buong taon.

Noong 2003, nabalitang sinaktan umano ng Parañaque counselor pa noon na si Anjo si Jackie sa isang club sa Makati City, habang gumigimik ito kasama ang ilang mga kaibigan. Ganti raw ito ni Jackie sa tsismis na idine-date ni Anjo ang dalawang balikbayan co-host niya noon sa Eat Bulaga!. Pinasinungalingan naman ito ni Anjo at hindi na rin naman nagsalita pa tungkol sa tsismis na ito si Jackie.

Last year naman, na-involve ang pangalan ni Jackie sa exposé ni Edward Ronquillo, ex-driver ng Batangas vice governor na si Marc Leviste. Sinabi ni Ronquillo na nagkaroon ng relasyon sina Leviste at Jackie. Itinanggi naman nina Jackie at Anjo ang exposé ni Ronquillo at itinanggi rin nilang maghihiwalay na sila. Katatalo lang ni Anjo bilang vice mayor ng Parañaque last year, habang nag-leave naman si Jackie sa trabahong flight attendant para sa airline company na Cebu Pacific dahil sa pagbubuntis nito.

Sabi ni Douglas, malaki ang bilib ni Anjo sa talino't galing ni Jackie. "I think she topped the exams she took for flight attendant," ayon pa uli kay Douglas. "Magaling si Jackie at alam ni Anjo yun. That's why he wants her to pursue her career."


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

American Idol 7: Top 8 Performance - Who Got Kicked Off?

Posted by JED on Friday, April 11, 2008 , under | comments (0)



Click inside to find out which contestant got stripped off of tonight’s American Idol.

VIDEO LINK:
Barack Obama
, Hillary Clinton and John McCain speak (Watch here)
Chris Brown and Jordin Sparks sing “No Air” (Watch here)
The Top 8 sing “Shout to the Lord” (Watch here)
(This time, they kept the first line “My Jesus, My Savior”)
Celebrities lip synch “I’m a Believer” (Watch here)
Michael Johns’ elimination (Watch here)

ANNABELLE RAMA Clarifies "Lipatan" Issue Involving Son RICHARD GUTIERREZ

Posted by JED on , under | comments (0)



For the first time, Annabelle Rama answered the nagging question of showbiz reporters, "Totoo bang lilipat si Richard Gutierrez sa ABS-CBN?"

After the press conference of her newest product endorsement, Circulan, at Annabel's restaurant on Timog Avenue, Quezon City, Annabelle sat down with showbiz reporters and explained everything about the rumored transfer of her son/talent Richard.

"Actually, ngayon lang ako magsasalita, ha, kasi never akong nag-comment," Annabelle started her lengthy explanation.
"Hindi ba, tinatanong ako, di ba? Never akong nag-comment sa video at saka sa print. "

"Ngayon, magko-comment ako kasi para manahimik na sila. Kaya lumabas na lilipat kami dahil hindi nga ako nag-comment. Meron lang kasing chismoso sa GMA [network] na narinig na hindi ako nag-renew [ng contract]."

THE HINDRANCE.
At first, Annabelle vaguely answered the media why they were having second thought of renewing Richard's contract with GMA network.

"Is it because of the talent fee?" asked one of the reporters.

Annabelle immediately answered,
"Ako kasi, hindi naman sa pera, e. Kasi kung talent fee, walang problema. Sa talent fee, hindi ako kinakausap. Yes, wala akong problema sa talent fee, okay na kami [GMA network]."

Then, she finally revealed the factor why they have not yet decided to renew their contract.

Annabelle opened up to the media,
"Hindi kami nag-renew kasi nagkaroon ng problema sa GMA-7—hindi sa mga Gozon, doon sa mga staff—na hindi pa nasu-solve. Kailangan kasi ma-solve muna lahat ng problema na yun bago ka pumirma. At ang gusto ko rin, nakalatag lahat ng projects niya for two years. Kasi ang two years, mahirap 'yang two years, baka every month maghingi ka pa. Mukha kang kawawa, ‘Ano bang klaseng project 'to, di ba?"

TOO-GOOD-TO-REFUSE OFFER.
In a report saying Richard might move to ABS-CBN, it was also mentioned that Richard's camp has received a "too-good-to-refuse" offer from the Kapamilya network.

This was clarified right away by Jun Lalin, publicist of the Gutierrez family. Speaking on behalf of Annabelle, "Nakakahiya on the part of the Gutierrezes, na baka sabihin we are really entertaining such offer, at nakakahiya rin sa ABS dahil wala naman talagang ganoon. Hindi kami nagre-react noon sa mga blind item dahil hindi nga totoo. Pero nagulat kami na naisulat na rin pala na may ganito ngang offer daw."

On the other hand, when Annabelle was asked if the offer was true, she answered,
"Actually, yung offer, hindi naman mawawala yun, e."

Then, she said that the "lipatan" issue never came from them nor they were using ABS-CBN to make Richard's talent fee in GMA-7 higher.

She said,
"Kasi, unang-una, papaano namang malalaman ng ABS-CBN na wala na kaming [kontrata] sa GMA-7? Wala naman kaming sinasabi sa kanila at never naman akong lumapit. Ako, never akong lumapit at saka never akong gumagawa ng ano sa ABS-CBN para tumaas ang talent fee."

"Noong lumabas sa isang newspaper yung [isyu na] baka lumipat, yung talent fee ni Richard, nandiyan na, napag-usapan na namin. Kaya hindi yun ang reason na lilipat kami [dahil] baka tataasan ang presyo."

"Hindi [katulad] ng gawin ng iba na bargaining. Hindi kailangan ang bargaining kasi kinausap na ako tungkol sa kontrata. Ang una ko talagang in-open, ang talent fee at saka downpayment. Approved lahat yun, walang problema."

RESOLUTION.
Despite the pressure of the media, Annabelle still refused to divulge the problem they have with some of the Kapuso staff. Instead, she just said that they have talked about the issue with GMA-7 president Felipe Gozon and program manager Redgie Magno-Acuña when they had a dinner recently.

"Ayos na. Nag-meeting kami noong isang gabi kaya okay na kami," said Annabelle.
"Actually, hindi meeting yun, e. Parang inimbitahan lang nila kaming mag-dinner, kaming mag-asawa [she and husband Eddie Gutierrez], Atty. and Mrs. [Felipe] Gozon, Redgie, at Richard."

"Hindi yun meeting sa problem. Gusto lang nila mag-dinner kasi lagi naman kaming nagdi-dinner nun, e, lalo na si Annette [Gozon-Abrogar, GMA Films president] at saka yung nanay niya. Lagi kaming magkasama sa dinner, kung saang party. Pero inimbita lang kaming mag-dinner that night, kami nina Eddie."

At the end, she told the media that she is set to have a meeting with GMA-7's senior vice president for entertainment Wilma Galvante tonight, April 11, to talk about the said problem and hopefully settle everything.

PIOLO PASCUAL Meets Someone in Church: "Hanggang Pag-uwi Ko, Pagtulog...Hanggang Ngayon Iniisip Ko Siya."

Posted by JED on , under | comments (0)



With Piolo Pascual's career doing very well, wala ba siyang wish na makatagpo ng babaeng kukumpleto't magpapasaya sa kanya?

"Sana soon," napangiti si Piolo. "
Seriously, you know I was in prayer meeting yesterday and I saw someone and she's pretty. Sabi ko, ‘Wow!' She's from our church [Victory Christian Fellowship]."

In-introduce daw sila ng isang common friend nila sa kanilang church and from there, sinimulan nang kilalanin ni Piolo ang background ng babae.

"She's single. Wala siyang showbiz relatives. She's tall and her initials are A.L." Bigla niyang binawi yung huli niyang sinabi, yung initials. Binibiro na pala niya kami sa parteng yun dahil the "A.L." initials stand for Angel Locsin. Pero ayaw niya lang daw talaga ibigay ang buong identity ng babae since she's not from showbiz.

Dagdag pa ni Piolo, hindi nga raw maalis sa isip niya ang babaeng ito na ka-church niya't kakikilala niya lang kahapon.

"Hanggang pag-uwi ko, pagtulog...hanggang ngayon iniisip ko siya."

"Sabi ko dun sa common friend namin, hook us up for at least a dinner so we can get to know each other more. Hindi ko naman agad ipu-pursue na mag-court sa kanya right away. At least, get to know the person first, ‘di ba?"

Ito na kaya ang babaeng hinihintay niya? Ito na kaya ang babaeng papakasalan niya?

"My doors are open. I know naman God is preparing someone best for me, and I believe in destiny. I believe that after so many years... I've waited, I deserve naman someone na talagang para sa akin."

"And I wouldn't wanna...parang, just try it out. Just for the sake of being with someone. Because, you know, I didn't wait this long just to fail. So, in few years time, I'll be able to settle down and have a different life," paliwanag ni Piolo na ang tinutukoy ang ang tuluyan nang paglagay sa tahimik o pag-aasawa.

At kelan naman kaya nya balak mag-asawa.?

"In a few years. Hopefully, before I turn 35. I'm 31 now, so, within four years."

MARIA FLORDELUNA and MARIMAR Lead NUTAM's Finale Episodes; ABS-CBN 2 Dominates Holy Week Programs

Posted by JED on Thursday, April 10, 2008 , under | comments (0)



During the course of its phenomenal run, the local adaptation of the Mexican hit telenovela Marimar managed to shatter rating records. Aside from consistently dominating the primetime block, the show topbilled by Marian Rivera and Dingdong Dantes surpassed the longstanding record set by GMA-7's fantaserye, Darna.

Garnering an outstanding 52.6 percent rating in its finale episode last March 14, Marimar beat the 52.1 percent grade previously established by Darna on April 14, 2005 in the Mega Manila race.

But while achieving the 50 percent-plus mark for a finale is definitely exceptional, Marimar still failed to break the record set by ABS-CBN's Maria Flordeluna in its concluding episode back in June 22, 2007—well, at least in the nationwide survey.

As stated in the AGB Nielsen Media Research data, Maria Flordeluna still holds the No. 1 spot in the Nationwide Urban Television Audience Measurement) NUTAM Top Finale Episodes for 2007-2008.

Maria Flordeluna tells the story of an 11-year-old girl and all of her efforts to keep her family intact despite difficult circumstances. Written by Marcos Navarro Sacol, the drama series was first heard on radio before TV station RPN-9 made a series in the ‘80s starring Janice de Belen.

ABS-CBN adapted Maria Flordeluna, casting child star Eliza Pineda for the lead role, and aired its first episode on February 12, 2007. The series bid farewell on June 22, 2007 with a rating of 49.3 percent nationwide. Marimar, on the other hand, scored an overall rating of 43 percent in its final episode to settle for second place.

Completing the Top 5 are three other Kapamilya programs.

Vhong Navarro's Lastikman, which had its last airing on January 25, 2008, notched a 41.4 percent rating followed by Kim Chiu and Gerald Anderson's Sana Maulit Muli with 40.6 percent rating. Completing the list is Sarah Geronimo's Pangarap Na Bituin, which accumulated 40.3 percent.

AGB Nielsen Media Research also provided the results of the top-performing programs during the Holy Week with ABS-CBN occupying the Top 5 positions.

Leading the way is the TV screening of Vilma Santos's 2000 blockbuster film Anak, which aired on a Good Friday. Anak, which was inspired by folk artist Freddie Aguilar's popular hit song during the ‘70s, generated 32.4 percent in the nationwide contest.

Not far behind is Aga Muhlach and Claudine Barretto's 2002 romance-drama flick titled Kailangan Kita, which collected 32.2 percent grade when it was shown on Maundy Thursday. Rounding off the list are Maalaala Mo Kaya, Madrasta, and a dubbed version of Jesus.


Top Finale Episodes (NUTAM)
1. Maria Flordeluna (ABS-CBN); June 22, 2007 - 49.3%
2. Marimar (GMA-7); March 14, 2008 - 43%
3. Lastikman (ABS-CBN); January 25, 2008 - 41.4%
4. Sana Maulit Muli (ABS-CBN); April 20, 2007 - 40.6%
5. Pangarap Na Bituin (ABS-CBN); December 7, 2007 - 40.3 %

2008 Top Holy Week Specials (NUTAM)
1. Anak (ABS-CBN) Good Friday - 32.4%
2. Kailangan Kita (ABS-CBN) Maundy Thursday - 32.2%
3. Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN) Good Friday - 25.7%
4. Madrasta (ABS-CBN) Maundy Thursday - 24%
5. Jesus (ABS-CBN) Maundy Thursday - 22.9%

Source: AGB Nielsen Media Research, Philippines

CHARICE PEMPENGCO to Guest in The Oprah Winfrey Show on May

Posted by JED on , under | comments (0)



There is no stopping 14-year-old Charice Pempengco from becoming a global singing sensation. From Korea's Star King to the American talk show Ellen (hosted by Ellen DeGeneres) to London, Charice has returned to the United States to appear in the highest-rating talk show Oprah, hosted by media superstar Oprah Winfrey.

Based on the show's teaser for May, this particular episode of Oprah will feature children with stunning talents, including Philippine's very own Charice.

Charice confirmed this in an interview with ABS-CBN News. "Mayroon po akong guesting sa Oprah. Tapos na po akong kumanta para sa isa pong episode ng Oprah," she said. Other than that, she refused to divulge any details about her guest appearance.

The young singer just came from London for her guest appearance in the British talk show, Paul O'Grady Show, last Tuesday, April 8. The format of the show is like that of David Letterman and Jay Leno's. Charice once again belted her signature song, "And I Am Telling You I'm Not Going," from the musical Dreamgirls, and once again, the 15-year-old singer mesmerized the audience with her powerful voice.

Click below to see Oprah's teaser for May featuring Charice and other gifted kids:



ANGEL LOCSIN Will Play Varga, the first Darna?

Posted by JED on , under | comments (1)



Rumor has it that Angel Locsin’s next project in the kapamilya network is the tv remake of another Mars Ravelo’s super heroine named 'Varga', considered as one of the first pinoy komiks superheroes.


Actually, Varga is the first Darna. According to Pilipino Komiks:

"In July of 1947, Mars Ravelo created Varga in Bulaklak Magazine. Varga was actually the first Darna, and she also had an alter-ego named Narda. When Ravelo left Bulaklak and was hired in Ace Publications, he re-created Varga and renamed her Darna.

In 1950, Darna appeared in Pilipino Komiks, re-created by Mars Ravelo and superbly illustrated by Nestor Redondo. The first story of Darna tells of her battles against the evil Valentina."

Here is a photo of the original Varga comics courtesy of Pilipino Komiks:

Guess is as good as mine, Varga is set to compete with GMA 7’s 'Captain Barbell Meets Darna'. Abangan!

SURVIVOR Philippines on GMA-7

Posted by JED on , under | comments (0)



PAUTAKAN! PAGALINGAN! PATATAGAN!

GMA-7 is in search of contestants from 18 to 60 years old, physically fit and willing to become castaways and endure intense physical and mental challenges in an unfamiliar territory for 39 days.

If you think you got what it takes to be one of the 16 castaways for SURVIVOR PHILIPPINES, go to any of the nationwide auditions in key cities in Luzon, Visayas and Mindanao.

SM Ilo-Ilo: May 5 & 6

SM Cebu: May 8 & 9

SM Davao: May 12 & 13

Baguio: May 17 & 18

Manila: May 21 - 23

Be part of the biggest reality show worldwide!

Be the Philippines’ first sole SURVIVOR!

"Marimar," "Wowowee," and "I Am KC" dominate March NUTAM results

Posted by JED on , under | comments (1)



TV specials made their impact in the nationwide rating contest for the month of March as the summer season officially unfolds. This is according to the latest Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) results forwarded today, April 9, by AGB Nielsen Media Research.


Manny Pacquiao's anticipated rematch with Mexican foe Juan Manuel Marquez held last March 16 stood out with an impressive 48.6 percent rating to lead the Top Weekend Programs category. In a previous report, the media research firm had already stated that they were already anticipating a good turnout, which is always the case whenever Manny steps on the ring.

Marimar's two separate specials—Marimar Memories and Marimar: Isang Pasasalamat—also fared very well as proven by its 25.9 and 16.1 percent ratings, respectively. The tandem of Marian Rivera and Dingdong Dantes capped off their phenomenal run by garnering a 38.1 percent rating to lead the race in the Top Weekday Programs for primetime. Marimar aired its last episode on March 14 with an extravagant wedding involving its two protagonists.

Speaking of weekdays primetime, ABS-CBN's Kung Fu Kids, Lobo, and Pinoy Big Brother Teen Edition Plus occupied the second, third and fourth spot to prove their tight grip in the nationwide contest.

The Kapamilya network's long-running news program TV Patrol World was also a tough nut to crack. Marking its 20th year, TV Patrol's special presentation dubbed as 20 Taon TV Patrol World barged into the No.6 spot with a rating of 31.3 percent while its regular programming secured the eight spot.

Willie Revillame's Wowowee continues to dominate the weekday programs for the daytime category. For the month of March, Wowowee accumulated a strong 22.1 percent rating followed by Edu Manzano's game show Pilipinas, Game KNB? with a grade of 19.8 percent tucked under its belt.

Eat Bulaga's Annual Holy Week special claimed third spot with 18.5 percent. Kristine Hermosa's Prinsesa ng Banyera may not be doing well in Mega Manila but the nationwide results project a different story. Garnering a strong 17.7 percent rating, Prinsesa ng Banyera edged out Mega Manila darlings such as Daisy Siete, Kaputol ng Isang Awit, and Maging Akin Ka Lamang.
For primetime weekend, KC Concepcion's I Am KC lorded over its more experienced foes by topping the category via its 28.8 percent rating. Mega Manila's consistent topnotcher Bitoy's Funniest Videos was locked in a two-way jam with Pinoy Big Brother's Teen Edition Plus: The Big Plus Revealed. Both shows bore identical ratings of 27.6 percent to settle for a bridesmaid finish.

Based on the data, it shows that ABS-CBN programs dominated the NUTAM primetime race while GMA-7 shows ruled the daytime race. Six Kapamilya shows made it in the Top primetime weekday programs while four came from the Kapuso network. In the Top 10 primetime weekend programs, seven are from ABS-CBN and only three from GMA-7.

Meanwhile, among the Top 10 daytime weekday programs, seven are from the Kapuso network and only three made the cut from the Kapamilya network. Six GMA-7 shows and four ABS-CBN programs barged in on the Top 10 daytime weekend programs.

Here are the Top 10 weekday and weekend programs for the month of March based on a survey conducted by AGB Nielsen Media Research among NUTAM households:

Top Weekday Programs (Daytime)
1. Wowowee (ABS-CBN) - 22.1%
2. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 19.8%
3. Eat Bulaga! Holy Wednesday Presentation** (GMA-7) - 18.5%
4. Prinsesa ng Banyera (ABS-CBN) - 17.7%
5. Eat Bulaga! (GMA-7) - 17.2%
6. Daisy Siete (GMA-7) - 15.8%
7. Kaputol ng Isang Awit (GMA-7) - 14.4%
8. Maging Akin Ka Lamang (GMA-7) - 14.2%
9. Pokemon (GMA-7) - 13.6%
10. Takeshi's Castle (GMA-7) - 13.2%

Top Weekday Programs (Primetime)
1. Marimar (GMA-7) - 38.1%
2. Kung Fu Kids (ABS-CBN) - 33.3%
3. Lobo (ABS-CBN) - 32.4%
4. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) - 31.5%
5. Kamandag (GMA-7) - 31.4%
6. 20 Taon TV Patrol World** (ABS-CBN) - 31.3%
7. Joaquin Bordado (GMA-7) - 31.1%
8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 29.4%
9. Palos (ABS-CBN) - 26.4%
10. 24 Oras (GMA-7) - 23.7%

Top Weekend Programs (Daytime)
1. Marquez-Pacquiao II: Unfinished Business** (GMA-7) - 48.6%
2. Marimar Memories** (GMA-7) - 25.9%
3. Wowowee (ABS-CBN) - 21.6%
4. Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) - 18.8%
5. Eat Bulaga! (GMA-7) - 18.4%
6. Ang Cute Ng Ina Mo!** (ABS-CBN) - 17.3%
7. Marimar: Isang Pasasalamat** (GMA-7) - 16.1%
8. Kapuso Sine Specials (GMA-7) - 15.9%
9. ASAP '08 (ABS-CBN) - 15.5%
10. SOP (GMA-7) - 14.4%

Top Weekend Programs (Primetime)
1. I Am KC (ABS-CBN) - 28.8%
2. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Big Plus Revealed (ABS-CBN) / Bitoy's Funniest Videos (GMA-7) - 27.6%
3. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 27.5%
4. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) - 27.3%
5. Goin' Bulilit (ABS-CBN) - 26.2%
6. 1 Vs. 100 (ABS-CBN) - 25.9%
7. TV Patrol World Sabado (ABS-CBN) - 24.1%
8. Rated K (ABS-CBN) - 24%
9. Kap's Amazing Stories (GMA-7) - 23.8%

Legend: **Special
Source: AGB Nielsen Media Research

American Idol 7: Top 8 - 'Inspirational' Performance Night

Posted by JED on Wednesday, April 9, 2008 , under | comments (0)



Theme of the week: Inspirational Songs

Michael Johns - “Dream On” by Aerosmith (Watch here)
Syesha Mercado - “I Believe” by Fantasia (Watch here)
Jason Castro - “Somewhere Over the Rainbow” by Judy Garland (Watch here)
Kristy Lee Cook - “Anyway” by Martina McBride (Watch here)
David Cook - “Innocent” by Our Lady Peace (Watch here)
Carly Smithson - “The Show Must Go On” by Queen (Watch here)
David Archuleta - “Angels” by Robbie Williams (Watch here)
Brooke White - “You’ve Got a Friend” by James Taylor (Watch here)

ALESSANDRA DE ROSSI's 'Sailing' Music Video

Posted by JED on , under | comments (0)



Totoo pala! May boses nga si Alessandra de Rossi. Siya ang kumanta ng bagong version ng Sailing na may music video na lumalanguy-langoy si Alessandra sa ilalim ng tubig habang kumakanta. Kaya n’yo ‘yon?

Si Rico Gutierrez ang direktor ng music video na type yata na i-preempt ang mga underwater scene sa Dyesebel. Heheheh!

Maging singer ang dream ni Alessandra at natupad ito nang i-record niya ang Sailing.

ANNABELLE RAMA Forgives CRISTY FERMIN But Asks Her to Pay P1-Million

Posted by JED on Tuesday, April 8, 2008 , under | comments (1)



Ilang araw nang laman ng mga babasahin at usap-usapan ang pagbaba ng desisyon ng Supreme Court sa libel case na isinampa ng mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez laban sa TV/ radio host at kolumnista na si Cristy Fermin. Ito ay kaugnay ng isinulat noon sa Gossip tabloid ni Cristy na kaya raw umuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay dahil may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika.

After 13 years, ibinababa na ang hatol. Mula sa pagkakakulong ay pinagbabayad na lamang si Cristy ng halagang isang milyong piso.

Sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Annabelle ang kanyang saloobin sa pagkakapanalo sa kaso sa mismong program na kaparte si Cristy bilang isa sa mga host, ang The Buzz, last Sunday, April 6. Si Boy Abunda ang nag-interview kay Annabelle.

"Siyempre, haping-happy ako, Boy, kasi meron pa palang hustisya sa atin. Umiiral pa rin pala ang hustisya sa atin. At least, napatunayan ko sa lahat ng nakabasa doon sa kanyang kolum na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Kaya naman ako nagagalit that time... Ipinaglalaban namin ni Eddie ang case na ‘to kasi nga involved na nga ang pamilya ko. Involved si Eddie, si Ruffa, ‘tapos mga kambal ko [Richard and Raymond] dati, mga three years old lang sila. Parang naawa ako sa pamilya ko talaga. Parang hindi tama yung ginagawa sa amin na talagang below the belt," lahad ni Annabelle.

Dagdag ni Annabelle, okay lang daw sa kanya ang constructive criticisms. Pero yung below the belt at imbento, ibang istorya na para sa kanya.

"Sobrang-sobrang happy ako!" ulit niya. "Sobrang-sobra talaga ang pasasalamat ko. Nagsindi ako ng kandila. Sa lahat ng simbahan, nagpadala ako ng donation ‘tsaka yung mga message. Basta ang dami kong ginawa for this week kasi talagang sobra-sobra. ‘Tsaka nakapag-shoot na ako ng bago kong commercial kaya sana suwertehin ako all the way. Magsu-shooting ako ng Monster Mom [her movie with Ruffa] ko next week kaya talagang ano pa, di ba?"

Sabi ni Boy kay Annabelle, ganun daw talaga kapag umuulan, may kasama itong bagyo dahil may dahilan.

Sabi ni Annabelle, "Marami nga ang nagti-text sa akin na bakit hind kayo mag-file ng motion, motion sa Supreme Court na ipaglalaban mo. Ang batas nung araw, may kulong na three years. Ay, sabi ko naman, e, siguro nga bakit ako... Para sa akin, Boy, buwenas na ako ngayon, e. Suwerte na ako, e, bakit pa ako hihirit na ipakulong?

"E, binabati naman din niya [Cristy] ako maski kunyari plastikan. E, di okey lang din sa akin, di ba? At least, binabati niya ako, Boy. Kaya sabi ko naman, okay lang yun. Okay lang, wala akong problema run. Ayaw ko na rin mag-file.

"Kaya Cristy, bayaran mo na ang isang milyon sa amin, ‘Day. Kailangan ko lang ng pera, ‘Day. Maraming mga bouncing cheques sa akin kaya kailangang-kailangan ko ng pera," dire-diretsong sabi ni Annabelle.

Pagkatapos nito ay humirit pa si Annabelle ng message kay Boy para kay Cristy.

"Ang message ko kay Cristy Fermin, Cristy, sana matuto ka na. Madala ka na. Sana lahat kasi... Actually, Boy, ang daming mga artista, marami siyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari. Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?

"Sana Cristy, matuto ka na. Huwag ka nang... Kung sumulat at least dahan-dahan lang, huwag yung pabigla-bigla. ‘Tsaka, you know, huwag mo namang siraan ang isang tao na below the belt. Puro pang-imbento. Kasi kawawa naman kami. Siya, may radio siya, may diyaryo. Kawawa yung mga artista na hindi puwedeng lumaban, di ba, Boy? Yun lang ang advice ko kay Cristy, dahan-dahan ka sa pagsusulat mo.

"Ngayon, pinapatawad na kita maski hindi ka pa nagso-sorry sa akin. Pero sa diyaryo kaninang umaga, parang nagso-sorry na rin siya sa pagsusulat niya kaya okay na rin sa akin," pahayag ni Annabelle

CRISTY REACTS.
Humabol sa last gap ng The Buzz ang reaksiyon at tugon si Cristy bilang sagot sa mga sinabi ni Annabelle.

Kasama ni Cristy sa stage sa kanilang pamamaalam sa show last Sunday ang iba pang hosts ng The Buzz na sina Boy, Ruffa, Phoemela Baranda, at Jobert Sucaldito nang kunan siya ng maikling pahayag ng mga kasamahan niya sa programa.

"Alam ninyo, lahat na kapag ka may dumarating na artista dito o sinumang personalidad, ang turing ko sa The Buzz ay isang tahanan. Ako ang dinatnan, may mga bisitang pumapasok at sa kulturang Pilipino, yung mga dinadatnan, yung mga pumapasok na bisita ay nirerespeto natin.

"Lahat ng sinabi ni Tita Annabelle kanina ay nirerespeto ko. Sabi ko nga sa ‘yo, Boy, nandiyan pa rin ang kaso. May karapatan pa rin ako na ipagtanggol ang aking sarili, nadiyan pa rin, hindi pa rin natutuldukan ang dokumento. Pero isang bagay lang po mga kaibigan, lagi akong naniniwala mula sa isang negatibong bagay, nakakakuha po tayo ng positibo.

"Si Tita Annabelle po kapag hinahalikan ko, hindi niya inaalok ang kanyang pisngi, pero hindi niya ako iniiwasan. Nung pumunta si Tito Eddie dito nung birthday celebration ni Ruffa, tinanong niya ako, ‘Crtisty, kumusta ka na?' kasabay ang isang mahigpit na yakap na parang wala nang hangin sa pagitan namin.

"Sa akin po, noon pa man, tapos na ito. Sa loob ng labintatlong taon, parang malaking sword, isang malaking punyal po ito na anumang oras ay puwedeng bumagsak sa ulo ko. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang parusa po ay kulong.

"Nung Huwebes may mga tumawag akong kaibigan at nag-text. Ang una kong tanong, ‘Meron bang kulong?' Wala raw. Mula rito, inisip ko na lamang ang aking mga anak. Syempre, di ba?

"At sabi ko nga, anuman ang nagawa kaya merong nagalit, may natapakan. At hindi po ikabababa ng aking pagkatao kung magsabi ako ng paumanhin sa mga artistang hindi nagkakagusto sa aking mga isinusulat. Pero ako po ay isang manunulat na tapat din po sa aking propesyon. Paninindigan ko po ang aking mga isinusulat dahil yun po ang aking prinsipyo at meron po akong karapatan bilang malayang mamahayag," mahaba niyang pahayag.

Kasunod nito, sinabi naman ni Ruffa kay Cristy na "time heals all wounds."

"Oo, at Ruffa, alam mo na mahal na mahal kita,"
sagot naman ni Cristy.

Naniniwala si Ruffa na lumambot na rin ang puso ng mommy niya kay Cristy. Nakita kasi ni Ruffa na nagbiruan pa ang mommy niya at si Cristy after ng live interview ni Annabelle with Boy pagbaba nito sa stage ng The Buzz.

"Sabi ko, ‘Tita Anabelle, wala po akong isang milyong piso.' Sabi niya, ‘Ay, bruha ka, ‘Day. Magbayad ka ngayon din.'

"Tita Annabelle, Tito Eddie, sa pagpapalaking ginawa ninyo sa mga anak ninyo, sapat na pong sagot yun sa mga katanungan ko. Maraming salamat," pagtatapos ni Cristy.

Another Pinay Makes it Abroad

Posted by JED on , under | comments (0)



One-time Little Miss Universe (1999) of the ABS-CBN TFC (The Filipino Channel), Natalie Chua is one of the six members of Simon Cowell’s band Angelis after she was selected from a field of 3,500 classical singers who auditioned. The band has sold half a million album (worth approximately $10-M) as of Christmas 2006 and topped the UK chart.

When she was 11, Natalie won a UK songwriting contest, the youngest ever to do so and the only contestant of Anglo-Filipino blood.

In 2005, she was awarded a plaque of recognition by Pres. Gloria Macapagal-Arroyo during her visit to London.

Click here for more article about Natalie

PBB Teen Edition Plus 1st Nomination Night Result

Posted by JED on Sunday, April 6, 2008 , under | comments (0)



The results are in.

Five teen housemates are in danger for eviction next Saturday. Based on Sunday's 1st nomination night, the nominees for eviction are:

Jieriel Papa
Josef Elizalde
Linda Buckland
Valerie Weignmann
Priscilla Navidad

Valerie and Priscilla were automatically nominated for violating that rule that forbids the housemate to about the nomination process.

CHARICE PEMPENGCO Sings the Philippine National Anthem at 'Invasion: Philippines Vs. The Wold

Posted by JED on , under | comments (0)



International singing sensation Charice Pempengco sang Lupang Hinirang at the 'Invasion: Philippines vs. The World' at the Araneta Coliseum on Sunday, April 6.


MUKHA KANG SOFA - PDA's Next Big Hit?

Posted by JED on , under | comments (1)



24 years old Glenn Ternal is one of the thousand aspirants who auditioned for the second season of Pinoy Dream Academy. The Lucena native has his original composition 'Mukha kang Sofa' that could be this year’s 'Hawak Kamay' and become a smash hit on radio and record stores.

Iba talaga ang wit and humor ng Pinoy, pambihira!


PINOY DREAM ACADEMY Season 2 - Star Dreamers

Posted by JED on , under | comments (0)



Check out the Pinoy Dream Academy Season 2 aspiring scholars who are dreaming to be the next hitmaker as featured in last night's show primer.

30 Star Dreamers:



Ann Frances Pasco, 23, Angeles City, Pampanga

Apple Abarquez, 18, Cebu City

Beatriz Munoz, 17, Muntinlupa City

Catherine Palma, 22, Zamboanga City

Chivas Malunda, 22, Negros Oriental

Christian Alvear, 24, Taguig, Manila

Cristina Pastor, 20, Paranaque City

Cristina Aldecoa, 19, Mandaluyong City

Hansen Nichols, 23, Taguig City

Jay Bogayan, 23, Camarines Sur

Jorell Canuel, 19, Cavite City

Jovannie Malunda, 22, Negros Oriental

Jun Ross Dio, 25, Quezon City

Kristine Raisa Santosidad, 21, Cebu City

Kristina Marie Pambuena, 20, Cainta, Rizal

Lamberto Reyes, 23, Bulacan

Laarni Losala, 22, Sultan Kudarat

Louise Remata, 20, Negros Oriental

Ma. Carmela Tiodianco, 20, Surigao del Sur

Maria Consuelo Osorio, 25, Pampanga

Mark Macapinlac, 22, Pampanga

Mary Karen Malinao, 22, Antipolo City

Mariel Reyes, 23, Singapore

Michelle Belmonte, 25, Quezon City

Miguel Mendoza, 18, Muntinlupa City

Rafael Ting, 18, Pasig City

Ranjit Singh, 24, Binangonan Rizal

Van Fojas, 17, Cebu City

Housemates Failed in Algorithm Dance; 3 Guardians Evicted - PBB Teen Edition Plus

Posted by JED on , under | comments (0)



The housemates of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus were tasked by kuya to perform an algorithm dance to the tune of “One Kapamilya“, ABS-CBN’s summer theme song. This is their weekly task and they bet 50% of their weekly budget for the said task.

Unfortunately, the housemates lost 50% of their budget for next week as they failed in their weekly task. Find out why.




As part of last night’s program, 3 guardians were evicted live from Pinoy Big Brother house. Teen council Beauty, Jieriel, Kevin and Josef deliberated on who will leave the secret quarters. Of course, they did not choose their own guardians to leave the house (a loophole in this season if you ask me). Instead, they chose to evict Tita Violy (Valerie’s aunt), Mommy Rose (Rona’s mom) and Mommy Jinky (Priscilla’s mom).

Article: starmometerdotcom

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

SHARE THIS