Richard Gutierrez-KC Concepcion, Suportado ng Fans ni Angel Locsin

Thursday, August 7, 2008 , Posted by JED at 5:25:00 PM

Ayon kay Irene Garde (taga-Modesto, California at head ng international fans club ni Angel Locsin), nag-usap na sila ng kanyang mga kasamahan at susuportahan nila ang For The First Time movie nina Ri­chard [Gutierrez] at KC [Concepcion].

Hindi nagustuhan ng fans ni Angel ang pang-iintriga ng iba sa Ri­chard-KC movie, kaya sila mismo ay susuporta­han ang pelikula.

Sabi ng fans ni Angel, hindi nila makakalimutan ang pagiging gentleman ni Richard pagdating sa kanilang idolo dahil never itong nagsalita ng against Angel kahit na noong kasagsagan ng mga issue sa pag­lipat noon ng young actress from GMA 7 to ABS-CBN.

There’s no reason para hindi namin suportahan si Richard kahit na iba pa ang kasama niya sa For The First Time.

Saka mabait din naman kasi si KC kay Angel.

We’re sure, pati si Angel, susuportahan ang Richard-KC movie,” pahayag ni Irene.

Well, nakakatuwa na kahit may ibang fans na nang-iintriga sa Richard- KC movie, nandiyan ang fans ni Angel na sumusuporta sa For The First Time.

Source: Jun Lalin

Currently have 0 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

SHARE THIS